Tuesday, September 06, 2005

Hindi naman talaga ako ganito...

Dumating Ka*

May isang dambuhalang barko ng pag-ibig
Dati-rati’y pag nakikita ko,
Sabi ko, sana’y lumubog ito,
Hanggang sumadsad
Sa pinakamalalim na buhanginan
Ng puso kong
Tila isang disyerto

Ngunit dumating ka

Ang dambuhalang barko ng pag-ibig
Naging arko ni Noah
Nagpalaya, Nag-alis ng pangamba
Ngayon, banal ang hydrograpiya
Ang kilapsaw ay samyong petalya
Ang buhanginan, naging kastilyo
at ang puso kong disyerto,
Nasa basang kamay mo

Dumating ka,
At naglayag ang dambuhalang barko ng pag-ibig
Sa pinakamahaba nitong kurso.


*Salamat sa'yo, mahal na mahal kita. Para sa ating ika-anim na buwan.

2 Comments:

At 5:17 AM, Blogger siri said...

masaya akong masaya ka. :)

 
At 11:34 PM, Blogger Daadbentyurs of brown siopao said...

salamat iris....mishu!

 

Post a Comment

<< Home