paspas tayo kung umibig. minsan nasusugatan - pero naghihilom din. paspas tayo kung huminga. minsan naghahabol - pero napapawi din. paspas tayo kung mabuhay. minsan nadadapa - pero bumabangon din. tayo ay mga eksistensya ng kapaspasan -- mga alipin sa mundo ng pagmamadali, hindi pananatili.
About Me
Name: VJ Rubio
Location: Pasig City, Philippines
1. adik sa alipato -- gustong gusto na i-shoot sa dulo ng dila ang singsing na gawa sa usok.
2. adik sa letra -- minsan nagtatahi ng mga letra -- may kabuluhan man o wala. Mahalaga, sinusuot niya ang mga damit na nagagawa niya.
3. Adik sa kambyo -- anuman ang ibig sabihin nito. Lagi't laging gustong imanipula ang kanyang kotseng kulay ulap. Pabilis ng pabilis. Pabagal ng pabagal.
4. Adik sa amoy ng Shaldan -- pag may tatakasan, hala, sige babalik sa kulay manggang taxi galing Cubao na ginulpi ng samyo ng Shaldan. Taong 1986. Mula Fiesta Carnival hanggang Cainta. Kasama ang nanay at mga kapatid. Habang tugtog ang "We Are the World." At nilalasap ang chikadees.
5. Adik sa pelikulang 21 grams. Siguro ganoon ang buhay ko -- walang istruktura. Pilit tinatahi ang mga pletora ng eksena.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home