Wednesday, June 01, 2005

patlang.patlang.patlang

patlang. nainggit ako kay maddox, yung cambodian na ampon ni angelina jolie. patlang. P25 na dagdag bayad sa mga manggagawa, huhuhu, palimos, palimos,palimos.patlang. minsan nakakapagod maghintay ng mga artikel --karma sa pagiging masaging bata noon kapanahunan ng Kule.patlang. may bago akong natagpuang kanta na bagay sa mga lagara sa aking lalamunan -- bonnie tyler? patlang. magtatatlong buwan na kami -- ragasa, ragasa, ragasa.patlang. mayroon akong demo teach kaninang umaga, tinamad ako, sabi ko; "Ma'm namatay po ang tatay ko" -- double dead (sumalangit nawa ang tatay ko -- sori po).patlang. nagpapabili si mama ng set obagi treatment-- P17,000, regalo ko raw sa mother's day -- e matagal ng tapos ang mother's day -- .patlang. e kahit mother's day, P17,000 na obagi set, mag-maxipeel na lang siya -- tutal nakakaputi naman ang hangin sa Amerika.patlang. magbo-boarding house na yung kapatid ko -- buti naman, kase pag nakikita ko siya -- ipinapaalala niya sa akin ang mga bagay na wala ako. patlang. palagi akong late sa trabaho, napapansin ko pag 9:00-10:00, parang isang segundo lang ang tinagal -- paspas,paspas,paspas. patlang. haay....nauuhaw ako, sigurado, uulan mamaya.patlang.